7/16/12

Inlove ka sa taong inlove sa iba.

Ouch. </3 Naranasan mo nabang mainlove sa taong sa iba naman inlove? Ang sakit no? Parang lahat ng problema nasayo at pasan mo ang buong mundo. Pero ang OA kung iisipin diba? Pero ganyan talaga pag nagmahal ka. Pero yung ganyang feeling na hindi siya sayo inlove, nakakapagod. Effort ka ng effort, wasted naman kasi kaibigan lang turing niya sayo at mas focus siya sa mahal niya. Lagi kang curious sa nangyayari sa buhay niya, pag masaya siya, mixed emotions ka. Happy ka kasi happy siya. Pero sad kasi you're not the reason why he/she is happy. Pag sad siya dahil friendzoned/busted/fail sa love eh mixed emotions ka din. Happy kasi mas magiging malapit kayo. Sad dahil sad siya. Pero dahil mahal mo, tutulungan mong magkaayos sila para sumaya siya kahit masaklap pakinggan na ikaw ang dahilan kung bakit mas matutuunan niya ng pansin yung mahal niya. But atleast nakatulong ka diba? I've been there dudes! It's hard ayt? Pero kailangan mong tiisin, at isipin kung ano ang mas tama dahil isa lang ito sa mga pagsubok ng pag-ibig.

7/11/12

I agree to the fact na "Ang manliligaw, parang teleponong nag-riring. Nawawala kapag matagal sagutin.". In my understanding and experience. Haha. Char. Pero seryoso, ganyan talaga ang USUAL people na nanliligaw. For me, it only means na hindi talaga sila seryoso sa nililigawan nila. Pero others naman mapride sila. They don't wanna be someone who'll wait for a long time just to have someone. Like even they love someone ayaw nilang mag mukha silang tanga sa mata ng ibang tao. Ganun sila magmahal eh. Pero alam niyo naman siguro na hinahayaan lang ng babae na mangligaw ang mga lalaki ng matagal bago nila ito sagutin eh para malaman nila kung seryoso at totoong nagmamahal sakanila yung guy. Yung iba, 1 week lang di na keri. Mahal mo ba talaga? Edi bat ka tumigil. I just wanna say na kung mahal mo, be like globe, GO LANG NG GO!

7/6/12

Madalas sinasabi ng babae na okay lang siya kahit hindi naman talaga. Bakit kaya?


Kadalasan sa babae, sinasabing ayus lang sila kahit hindi naman talaga. Though kasalanan rin nga naman ng babae kasi hindi nila sinasabi yung totoo, gusto lang nila na may pumapansin sa problema nila in a way na ayaw nilang ipahalata na gusto nila. Minsan ayaw nila talaga mag bring up ng story unless mahalata mo. Ako naman, sinasabi ko minsan na ayus lang ako kahit hindi, dahil ayoko mag-alala yung ibang tao. Pero kanino nga naman ako magkkwento diba? Syempre sa mga kaibigan ko rin. Minsan sa more than a friend. Pero ang sometimes reason ko naman is, for a long period of time, hindi ako nagshashare kahit kanino. Tapos kung ilalabas ko man, iniiyak ko or inaact ko how to tell it to a person and start crying alone. Minsan masakit kasi kung sino pa yung inaasahang mo dapat na super kilala ka na, siya pang hindi. For example, a person whose committed to you, hindi ka niya memorize kung malungkot ka or ayus ka lang ba talaga. Diba masakit? </3 Tapos mahahalata lang niya kapag super hinang-hina ka na. :( Isa pa, kahit naman sabihin niyang ayus lang siya sa personal ng nakangiti, makikita mo parin naman sa mata niya yun eh, o sa kilos niya.