Kadalasan sa babae, sinasabing ayus lang sila kahit hindi naman talaga. Though kasalanan rin nga naman ng babae kasi hindi nila sinasabi yung totoo, gusto lang nila na may pumapansin sa problema nila in a way na ayaw nilang ipahalata na gusto nila. Minsan ayaw nila talaga mag bring up ng story unless mahalata mo. Ako naman, sinasabi ko minsan na ayus lang ako kahit hindi, dahil ayoko mag-alala yung ibang tao. Pero kanino nga naman ako magkkwento diba? Syempre sa mga kaibigan ko rin. Minsan sa more than a friend. Pero ang sometimes reason ko naman is, for a long period of time, hindi ako nagshashare kahit kanino. Tapos kung ilalabas ko man, iniiyak ko or inaact ko how to tell it to a person and start crying alone. Minsan masakit kasi kung sino pa yung inaasahang mo dapat na super kilala ka na, siya pang hindi. For example, a person whose committed to you, hindi ka niya memorize kung malungkot ka or ayus ka lang ba talaga. Diba masakit? </3 Tapos mahahalata lang niya kapag super hinang-hina ka na. :( Isa pa, kahit naman sabihin niyang ayus lang siya sa personal ng nakangiti, makikita mo parin naman sa mata niya yun eh, o sa kilos niya.
No comments:
Post a Comment