1/4/13

Ayoko lang makaabala sainyo.


Hindi ko rin naman gustong mameke ng ngiti, pero kailangan. Hindi ko rin naman gustong itago yung problema ko, pero kailangan rin. Bakit? Kasi ayokong maabala kayo, ayokong makagulo, ayokong makadagdag sa mga problema niyo, ayokong pinroproblema niyo yung problema ko, ayokong mandamay. Yun lang.

Oo, minsan may mga taong nakakahalata na may problema ako kahit hindi ako magpakita ng kahit na anong senyales ng kalungkutan. Oo, may mga taong pilit na inaalam yung problema ko. Minsan pa nga ako pa yung nagmamatigas na hindi sabihin e.

Hindi lang naman talaga yun yung dahilan. Hindi lang dahil ayokong mangabala. Natatakot rin kasi ako baka wala ring makaintindi sa problema ko. Baka sa pagsabi ko ng problema ko, marami pang maging tanong. Baka sa huli, kailanganin ko pang iprove yung sarili ko tapos maging mas magulo lang. Natatakot ako kasi baka yung mga magsasabi saking naiintindihan nila ako ay pilit, baka sinasabi lang nila yun pero di talaga nila ako naiintindihan. Baka rin kasi sabihin nilang napaka OA ko. Feeling ko kahit naman sabihin ko, hindi naman talaga nila magegets kung bakit ko pa pinoproblema yung mga ganung bagay kaya parang wala ring sense yung pagshashare ko. Kasi wala rin namang magbabago.

Dahil dun, ang madalas kong ginagawa, eh sinasarili ko yung mga problema ko. Buti na nga lang ngayon eh medyo nakakapgshare na rin ako kahit papaano. And yes, it's less difficult. Pero minsan lang kasi, pinapangunahan ako ng takot na baka wala lang makaintindi.

No comments:

Post a Comment