6/7/12

Nag-effort ka na sinumbatan ka pa? Echapwera ka?

May mga taong ineechapwera ang effort mo.

Minsan pa nga kapatid pa mismo ang may ganang sumumbat sayo. Hindi naman niya alam lahat ng ginagawa mo, hindi rin niya alam lahat nang ginagawa ng kapatid niya.

Ansakit isipin na yung kapatid pa ang sumusumbat sayo, bakit hindi pwede yung mahal mo?

Tapos after niya sabihin yun, ikaw nag try hard naman. Yung tipong sinubukan mong matutunan yung dahilan kung bakit kayo di nakakapagusap. Ginawa mo yun para makapagusap kayo. Eh kaso hindi ka nagtagumpay. Pero bakit siya hindi nagtry man lang? Maski kausapin ka lang hindi pa nagawa?

Ang sakit rin isipin na naging MU/MAGON/MAGASAWA kayo tapos may isa pala sainyo na hindi seryoso.

Ang akin lang, kung hindi niyo paninindigan, wag niyo sabihin. I mean, may mga relasyon talagang nagwawakas. Sabi nga nila ang hindi pa nasasaktan, hindi makakahanap ng true love. Kasi san ka matututo kung hindi ka nasaktan? Yun ang nagsisilbing leksyon sa buhay mo eh.

Sana lang kung sinabihan mo ng mahal mo, prioritize mo. Hindi yung ineechapwera mo. Ano ka shunga? Trip mo lang? Nakakasakit ka dre! Wag mo gawin yung ayaw mo gawin sayo!

No comments:

Post a Comment