6/4/12

Paano mag move-on?


Yan ang kadalasang tanong ng mga taong nainlove pero di inaasahang magtatapos din ang lahat. Ganyan naman ang tao eh, pag di tungkol sa buhay niya, sasabihin "Magtatapos din yan" pero pag sa sarili ang sasabihin ay "forever" 


May mga taong naniniwala sa forever. Pero hindi lahat ng naniniwala, ay natutupad ang nais nilang maging forever.


Kadalasang kadahilanan ay ang nagmahalan kayo pero di pa tamang panahon. O di kaya, mahal niyo isa't isa pero may hadlang at hindi kayo ganun ka handa upang ipaglaban niyo ang pagmamahalan niyo. Meron din namang naging one way, isa lang ang nagmamahal.


Okay, let's go to the question.


Dati akala ko hindi ako makakapag move-on, pero nagawa ko. Ilang beses ko na sinubukang magpakamatay, pero dumating sa point na natatakot din ako para sa mga maiiwan ko, at naalala ko ang katagang "Everything happens for a reason" kaya iniisip ko nalang na masaktan man ako, may dahilan. Hindi ko man alam sa mga panahong yun, nalaman ko rin. Yun ay dahil may mas magmamahal pa pala na darating sakin.. At sigurado ako sayo rin!


Oo, lahat tayo dumadating sa point na ayaw mo yung binigay ng Diyos, dahil hindi mo pa nga alam ang dahilan. At hindi mo yun malalaman kung wala kang tiwala sa Diyos.


Alam kong kapag nagmahal ang tao, ay mahirap itong kalimutan. Minsan nga sinasabi pa ng iba "Kung hindi ko siya mapapakinabangan, walang makikinabang sakanya" Kaya nagagawa pa nitong pumatay. Pero paalala, WAG NA WAG MONG SUBUKANG GUMANTI. Kasi ikaw rin ang mahihirapan. Maguiguilty ka pa. Pag nanghingi siya ng tawad, forgive! Pero dapat sincere siya. Mahirap kalimutan. Pero magsisilbi itong aral.


DAPAT GAWIN:
Itapon/Itago ang lahat ng bagay na binigay niya o kahit ano pa man ang pwedeng makapag-paalala ng nangyari sainyo.
Tanggapin na hindi talaga kayo para sa isa't isa.
Huwag kang gagamit ng ibang tao para lang makalimutan siya kasi makakasakit ka lang.
Alisin ang sama ng loob, dahil ito lamang ang daan upang pag dumating na ang para sa'yo ay nakahanda ka nang tanggapin siya at hindi na ito mawawala pa.


-Thanks!

No comments:

Post a Comment