"Hindi kita iiwan."
Nice. Hanggan kelan mo papaulit-ulitin yang katagang yan? Hanggang sa makuha mo na yung taong gusto mong makuha? Nice idea, bro. Yan kasi ang lecheng linya ng mga taong nangangakong hindi ka iiwan, pero kakasimula niyo palang, puro iba na inaatupag niya. Yung mga taong, hanggang salita nalang. Yung mga taong, naniniwala sa forever pero hindi nila magawang paabutin ng forever. Fine, may mga relasyon naman talagang magwawakas at magwawakas din. Pero, bakit kailangan mo pang sabihing hindi mo siya iiwan? Dapat pinapakita mo nalang yun. Or atleast do your best para maging masaya siya kasi alam mong matatapos din yung relasyon. Like dudes, if you really wanna make her/him happy, don't tell her/him things that you don't really know kung matutupad mo.
No comments:
Post a Comment