8/18/12

Old Friends Na Nga Ba?

Hii! Uhm, old composition ko na to, naka save sa phone ko. Months ago na =)) k, I should start.

Madalas sa paglipas ng panahon nawawala at ang pagpapahalaga at halaga ng isang samahan. Hindi dahil sa hindi pagkakaunawaan o tampuhan, kundi dahil sa kawalan ng ng komunikasyon. Maraming kaibigan ang darating at darating sa buhay natin, pero madalas kapag may nakikilalang bagong samahan ang isang tao, nakakalimutan nitong pahalagan ang kaibigang hindi niya kasama. Madalong sabihin na ang halaga ay di nasusukat sa distansya at closeness . Sa kabila nito, alam ng magkaibigan na ang pinakamabisang paraan ng pagpapahalaga at pagiingat ng samahan ay ang atensyon dito. Hindi maikukubli na ang samahang walang kumunikasyon ay nagwawakas sa pagdaan ng mga araw. Hindi man natin aminin, walang kaibigan na hindi napapagod kapag nararamdaman niyang hindi siya pinapahalagahan ng isang kaibigan.

No comments:

Post a Comment