Topic suggested by: Ray Genavia
Ito yung tipo na gustong pumasok sa relasyon ng isang tao pero ayaw naman nung isa usually dahil kaibigan lang ang tingin niya dito.
Ang friend zone madalas naa-apply sa lalaki. Nafriefriend zone usually yung tao kapag todo effort siya. Flowers dito, flowers dun. Chocolates dito, chocolates dun. Magyayaya manood ng movie, concerts, etc., Pero ni minsan hindi siya umamin sa nararamdaman niya para kay girl. Hanggang sa dadating yung time na makakahalata na si girl at sasabihin kay boy na kaibigan lang ang tingin niya dito. Pero meron din namang umaamin muna bago nageeffort. Yung kahit sinabi na sakanyang hindi siya gusto eh tuloy parin, nagbabaka sakaling magbago yung nararamdaman. There are possibilities naman na magbago yung nararamdaman ng girl. May times din na nafriefriend zone ang guy dahil nag "I love you" siya tas ang sagot lang "Thank you" or "I love you too as a friend". Meron din naman pagkaamin palang, wala pang nagagawa eh friend zoned na agad. Kasi ang sinasabi ng girl "Wag. May mahal na akong iba. Mahal din kita. Pero bilang kaibigan lang." Saklap. Minsan pa nga parang kapatid ka lang daw niya. Odiba? Family member ka na! Congrats! Minsan naman hindi pa umaamin eh friend zoned na. Assuming ka teh? Eh kasi naman kuya, wag pa-obvious! =))) *Peace. Madalas din nafriefriend zone ang mga kalalakihang bestfriend ni girl. Di naman kasi natin maiiwasan na mahulog ang tao sa bestfriend niya. Proven ko na yan. Yung taong araw-araw mong kausap, yung taong laging nagshashare sayo, yung taong laging nakakatulong sayo, yung taong napapasaya ka, yung taong laging nagcocomfort sayo. Nako! Nakakafall talaga yan. Kaya bestfriends, iwas nalang kayong mafall or magpahalata. Usually din kasi pag na friend zone ka, eh magkakailangan na kayo. Sayang friendship diba? Parang yung movie ng KimErald. Yung "PAANO NA KAYA". Bestfriends sila Mae at Bogs, tapos nafall si Mae. Pero may gf si Bogs. Nung nagbreak, naging sila. Rebound o hindi? Minahal ba niya talaga? Malay mo nagsinungaling rin siya dun? Oh diba. You'll never know. Nagkahiwalay na sila. Nagkanya-kanya. Kung totoong mga tao yun, ano na kaya nangyari sakanila? Sayang pinagsamahan. :(
Hindi ko naman sinasabing tigilan niyo na kung wala kayong idea sa nararamdaman niya. Ang akin lang, dapat pag nagmahal ka, handa kang masaktan o MA FRIEND ZONE =)) You'll never know kung ano nararamdaman ng iba unless tatanungin niyo diba? At hindi naman basta basta magsasabi yun ng wala kang pinapakitang motibo na gusto mo siya diba? But be ready narin na baka kaibigan lang ang turing niya sa iyo. From there, choice mo na kung titigil ka na at magiging kaibigan nalang niya or magpapatuloy ka pa and take the risk kasi baka magbago pa isip niya at mahalin ka rin niya. Think positive daw. Pero think about the negative things that might happen din. Para di ka madisappoint ng bonggang bongga. =))
No comments:
Post a Comment