11/1/12

Pagbabago



Written by my friend. Hi there Tanda! =)))

Maraming klase ng pagbabago, Pag babago ng sistema ng gobyerno , Pagbabago ng Klima,
Pagbabago ng taon, Pag babago ng ugali ng tao.

Naranasan mo na bang mapansin ang pagbabago ng isang tao?


Para ito sa mga Nag-Bago, Na Bago, At mag-babago pa lang.
Ikaw ba?? Naisip mo ba kung anu yung tunay mong ugali?
Yung ugaling talagang nakatatak na sayo, yung ugaling
nakilala sayo ng iyong mga kabarkada/kamag-aral/kapit-bahay/pamilya mo.
Malamang nasabi na sayo to ng mga matagal mo ng hindi nakakasama o nakikita
"UY! Wala kang pinagbago ha! Ganun kapa din!" Ano sa tingin mo, yung ugali mo
yung napansin nila o yung wala ka pa din pagbabago sa physical?

Tanong ko sa mga nagbago
Bakit ka nagbago?
Dahil lang ba sa kasintahan mo, para magustuhan ka niya?
Dahil ba napagsabihan ka ng nasa paligid mo?
Dahil ba na sinabihan kang magbago ng iyong magulang?
Dahil ba mas pinili mong magbago kesa manatili sa ugali mo noon?
Dahil ba sa bago mong barkada, para masabayan ang trip nila?
O dahil gusto mo lang, para maiba naman ang tingin sayo ng iba?


Masasabi ko sa mga na bago
Malamang pinili mong magbago dahil sa kasintahan mo,
Malamang sinabihan ka ng magulang mo,
Malamang nagsasawa kana sa ugali mo,
Malamang sumasabay ka lang sa uso ng mga kabarkada mo,
Laging may dahilan kung bakit tayo nagbago, minsan hindi natin ito napapansin
kasi masaya tayong nagagawa kung anung gusto natin, Sa paglaki mo dito sa mundo,
malalaman mo kung anu ang tama at mali, Maswerte ang mga napagsasabihan.
naaawa ako sa mga batang lumaking walang umalalay sa kanila. Kaya merong
batang sa murang edad pa lang ay puro na kalokohan, pero di natin masisisi
ang mga magulang nila. dahil sabi ko nga merong magiging dahilan kung
bakit tayo magbabago/nagbago.
Aminin mo nasabi mo na to "MAG-BABAGO NA AKO!" pero hindi matuloy tuloy,
at minsan iba pa ang nang yayari sa naplano mo.
Ang iba nag bago dahil may nang yari, merong dahil namatayan, naiwan, at natuto .
Hindi mo mapapansin ang pag-babago mo dahil ibang taong ang magsasabi
sayo na NAG-BAGO KANA!.

Sa mga Mag-babago pa lang
Pssst.! Siguraduhin mong may magandang mangyayari dyan sa gagawin mo.
At wag mong sisisihin ang iba kung di maganda ang kakalabasan ng pagbabago mo.
Tandaan mo, merong ayaw ng nag-babago at merong gusto nang pagbabago.
depende yun.. kasi minsan mas mahal ka nila nung simula , pero nung nagbago ka,
nag bago din ang turing sayo. "THE ONLY CONSTANT IN THIS WORLD IS CHANGE".
Walang permanente eh.

Ang Buhok kumukupas/nalalagas, Ang Mata Lumalabo, Ang Balat kumukulubot.
Habang tayo ay tumatanda sana ay may pagka-tandaan tayo.
Dapat alam mo kung bakit ka magbabago.
Kasi hindi natin to lugar, Pinaranas lang sa atin ang mabuhay dito
para malaman natin kung anu nga ba ang TAMA sa Mali.
Magulo at Mapangakit ang lugar na ‘to.
Alamin mo ang limitasyon mo,
Mag-isip bago magdesisyon,
Ikaw ba? Alam mo ba kung sino ang makikinabang ng pag-babago mo?
Nakahanda ka bang maiwan ng dahil dyan?
Nakahanda ka bang makaapak ng dahil dyan?
Hindi ko sinasabing masama ang pag-babago sa ugali.
Lahat tayo maaaring mag-bago. Pero sana magbago ka dahil may natutunan ka!

No comments:

Post a Comment