12/24/13

Life is unfair. Although nakakatuwa kasi andami kong nakikitang nagsasabi na “MERRY CHRISTMAS” ibig sabihin masaya, and same goes for me, marami rami ring bumabati, ang lungkot ko padin. Hindi ko alam kung totoo ba o pinipilit ko lang sarili ko na kuntento ako sa kung anong meron ako. Gusto ko maging kuntento at tingin ko naman kuntento ako. Pero kuntento nga ba talaga ako? Kakasabi ko nga lang sa status ko sa fb na “…And today, I decided to look at the brighter side and be happy for the rest of my life” pero bat parang ang hirap panindigan? Bago ko pindutin yung ‘post’ sa phone ko, inisip ko kung posible ba yun at sabi ko, oo, posible yun dahil wala namang imposible pag kasama mo ang Diyos eh. Sabi ko pa, kaya ko namang i-control yun kasi nga ‘I am the captain of my life’. HAHAHAHAHA I’m pretty sure di ganun kadali intindihin tong blog post na to kasi no one knows what’s happening to me and my life. I just think it’ll make things better for me if I typed this and post. Wala kasi akong masabihan eh. Alam mo yung feeling na yung gustong gusto mong sabihan yung di mo masabihan dahil medyo may conflict? Ni hindi ko nga alam kung aaminin ko sakanya kasi nag-promise ako sakanya na di na siya makakarinig galing sakin ng kahit ano regarding sa issue ko. HAHAHAHAHAHA sorry kung nakakawindang, pagbigyan niyo na ko L Lagi naman ako madrama eh. Sawa na din ako don’t you worry huehue. Gusto ko ng kausaaaaaaaap. Yung maiintindihan ako, yung imomotivate ako in times like this. WOOOOOOO NAG GM AKO TAPOS ANDAMI SUMAGOT NA NAGTATANONG KUNG SINO DAW AKO. God, I really feel like I’m forgotten, like I’m being left out. L L L Nakakaiyak kanina pa ako naiiyak at mej lumuha na pero ayoko! HAYS. Gusto ko na magpahinga. Magpahinga at lumayo mula sa katotohanan. DI KO ALAM BAT ANG OA KO PERO BAT GANTO NARARAMDAMAN KO? </3 Masiyado pa akong bata para sa ganto ah. As much as gusto ko maging positive, di ko magawa. Imbis na tanungin ang Diyos ng “Why me?” at sabihin ang “Try me” na gusto ko sanang gawin, di ko din magawa. Feeling ko tinalikuran na ako ng lahat ng tao L Di ko magawang maayos mga mental issues ko sa mga tao. Sarili ko nalang yan ah, my God, SARILI KO NALANG YAN! Naiinis ako sa sarili ko! Di ko magawang maging enough para sa kahit sino. Di ko alam. Alam ko walang perpekto pero bat di ako maging enough? Laging may kulang. Ano ba, aksidente lang ba akong nabuhay? Gusto ko maging masaya kasi alam kong swerte padin ako, pero di ko magawa. Gusto ko maging open sa lahat ng tao, pero nakakahiya. OKAY AYOKO NA ANDITO NA ATE KO BYE PIPS baka kasi mabasa niya, nakakahiya eh sa susunod uleeet! Di ko na chineck grammar spelling etc, kasi kailangan ko lang talaga maglabas. It’d be weird kung icocorrect ko. HAHAHAHAHAHA. Ge. 

9/7/13

Requirement #2: Bakit dapat tayong makontento sa kung ano ang mayroon tayo at huwag mainggit sa ating kapwa?

(Funny that i'm composing why people should be contented in what they have and why people shouldn't be insecure when I, myself, is insecure.)

Bakit nga ba tayong makontento sa kung anong meron tayo? Simple. Kasi yun yung binigay sa atin. Dapat nga ay magpasalamat pa tayo dahil mayroong binigay satin e. Dapat makontento tayo kasi lahat naman yan may silbi sa mundo, magagamit natin, at yan ay elemento ng buhay natin. Kung anuman ang meron tayo, yan ang bumubuo sa buhay natin. May mga bagay na pag nahaluan, di na maganda ang timpla. Ang adobo pag nilagyan mo ng tomato sauce, di na masarap. Kahit ang sinigang pag nilagyan mo ng toyo, di na din masarap. Kasi naglalaban ang dalawang klase ng lasa. Ganun lang din yung mga bagay na meron tayo. Maraming magagandang bagay sa mundo pero maaaring pag pinagsama-sama sila papangit yung kalalabasan. Pero tandaan natin, na kahit pakiramdam natin ay kulang yung meron tayo, hindi yan kulang. Pinag-isipan ng Diyos yan nang mabuti at hinding hindi magbibigay ang Diyos ng di makakabuti para sa atin. Hindi naman niya tayo papabayaan eh. Hahayaan niya ba tayong mabuhay ng kulang? Siyempre hindi. Ipagpatuloy lang natin ang buhay at kung may kailangan pa tayo, makikita o mahahanap din natin yan. Minsan kasi kailangan din ng pagsisikap. Pagsisikap para makuha yung mga bagay na kailangan natin. Kung tatanungin kung bakit dapat ay hindi tayo mainggit sa ating kapwa, halos nabanggit ko na rin sa kung bakit dapat tayo makontento. Isa pa ay ang pagkainggit sa ibang tao ay maaaring magdulot sa atin ng pagbaba ng tiwala sa sarili. Wala rin namang rason para mainggit tayo sa kapwa natin e. Maaaring mayroong mga bagay na meron ang iba pero wala tayo pero meron din namang mga bagay na meron tayo na wala sakanila. Malay mo, kung ano pa yung kinaiinggitan mo, yun pa pala ang makakapagpahamak sa isang tao. At malay mo, kung anong meron ka na minamaliit mo, yun pa pala ang tutulong sayong mas umangat. Pag nainggit ka sa kapwa mo, kinakalaban mo lang ang sarili mo. Di ka maniniwala sa kakayahan mo, dahilan para subukan mong gayahin yung ibang tao na maaring magbunga na mainis sayo ang mga tao. Dapat ipakita mo nalang sa mga tao yung kung sino ka talaga. Hindi yung gagaya ka pa sa iba dahil nakita mong sumikat siya dahil dun. Kasi diyan mas may magandang resulta. May mga binabagayan kasi ng mga bagay bagay. Kung ano man ang meron ka, yan ang bagay sayo. :)

Requirement #1: Paano mo maiiwasang maging biktima ng mga taong manloloko?

Ang tao ay nagiging biktima lamang kung papayag siya, kung magtitiwala siya. Oo, dapat ay marunong tayo magtiwala, hindi lang sa sarili natin kung hindi sa iba rin, pero hindi ba dapat ay hindi natin ito basta basta ibinibigay sa ibang tao?

Minsan kasi ang tao namimihasa, o nangaabuso, at yan ay iniiwasan din nating mangyari. Kasi yang tiwalang ibibigay mo, maaring marami siyang makuha at magawa sayo. Minsan kasi kahit sobrang tagal niyo nang magkakilala, ngayon ka lang niya maiisipang lokohin. Eh kung yung dati mo nang kakilala naloloko ka, yung mga kakakilala mo palang pa kaya? Dapat ngayon palang, alam mo na yung pinaniniwalaan ng marami na sa paglubog ng araw, ang tanging taong mapagkakatiwalaan mo lang ay ang iyong sarili. Hindi naman sa dapat ay wag kang makipagkaibigan at wag kang magtiwala, pero konting ingat lang. Siguro kung ako, di naman ako mawawalan ng tiwala sa mga taong matagal ko nang kilala sa halip ay magiingat ako at susuriin ko munang mabuti ang lahat ng kanilang pinaparating saakin kung totoo ba ito o kasinungalingan lamang. Di natin masasabi kasi na baka akala natin sa sobrang tagal na nating magkakilala eh di na tayo lolokohin pa, pero yun pala sa sobrang habang panahon na yun ay may tinatago siyang sama ng loob sayo at ang panloloko ang tanging paraan na nahanap niya upang gumanti. Para naman sa mga kakakilala ko palang, hindi agad ako magtitiwala sakanila. Hindi ako basta basta maniniwala sa kung ano ang mga sinasabi nila. Kahit gaano ko pa kagusto makuha ang inaalok nila at kahit gaano kadali pa ang paraan nito ay hindi ko parin sila agad pagtitiwalaan sapagkat maaring ako ay magsisi sa huli. Yun lang naman ang solusyon dun eh, magingat sa pagbibigay ng tiwala.

5/16/13

CHANGE (PAGBABAGO VERSION 2.0)

They say change is the only thing constant in life and I do agree with it. But why is it that every time something or someone changes, some are affected? Simple. Because we used to live with the old 'him', 'her' or 'that' and it is not that easy to adjust. But you know what? Since change is constant, whether you like it or not, things will change and all you need to do is understand and accept such things. And when you don't understand why did it change and when you're curious if that certain change is necessary, just please, accept it. Accept that some things are meant to change. Like what people say, sometimes you don't need to understand, you just need to accept.

SO WHY AM I TALKING ABOUT CHANGE?

That's simply because I am planning to change. Changing for better, eh? Sounds good. I just wish that my plan to change for the better is really for the better. I usually ask for people's opinion specially my friends' opinion before I do certain things. But now? I need not know their opinion, or anyone's opinion. I've heard enough and I've been hurt enough. Because of this year's summer (2013), those so-called-friends of mine CHANGED. Yep! You read it right, THEY CHANGED. Well, not all of them. But most of them. Luckily, 4 of them stayed with me. But when I told one of them that something's wrong with someone, she changed. So 3 was there and I still want to call myself "THE LUCKY ONE" just to comfort myself. But c'mon, face the reality. My inner self tells me, "They are changing because they don't want you anymore." and "After a long time, they finally found a way to show you they don't like you." Yes, the change stuffs and the thought of my inner self affected me and made me realize that I need to change. But I am not going to change to please them.

WHY AM I GOING TO CHANGE?

I am going to change because I do not like to stay what I am which a lot of people doesn't like (I think) but that doesn't mean I am changing to please them and to push myself to them. I didn't beg them to be my friend, but they became my friends. And sometimes, when I beg God for something, he doesn't give me the exact thing I begged for but instead something else which I think is better and I know that He'll give me what He think is best for me even though I didn't ask for anything. Do I really need to change? I don't know. I'll never know if it is necessary unless I try. It isn't going to be that big. I'm just going to try to have a smaller social life. Yeah, less friends. Or at least less of those old friends, it's not like forgetting them or something. It's just that I don't want to push myself to them and I do hope that I will be able to meet new friends that will truly understand me and accept me despite of my flaws and imperfections. I also want to be more focused on my studies since the next chapter of my life will be more challenging than what I am experiencing right now. I do believe that every day is an adventure but you wouldn't know what might happen next. You must go with the flow and take risks. There might be ups and downs, but that's life. Life is like a roller coaster, my friend and it is your choice to scream and have fun or just stand there, not getting the chance to ride because you're scared what might happen. But all you have to do is have faith in Him, believe in Him, and trust Him. So whenever I am thinking about 'The Change', what I think of is that, it'll never cross my mind if He doesn't want me to think of it. It crossed my mind because it is meant to be. Currently, I am still working on the list of the changes I would try to make.

MY MESSAGE TO THOSE WHO ARE PUSHING ME TO CONTINUE MY PLAN TO CHANGE (SORT OF)

Uhm, hi. I'm sending you my sincerest apologies and thank yous for everything. Sorry if you think I went beyond my limits which I don't know how and what limit because I am just being myself. They say one shouldn't be sorry for being themselves but I still want to say sorry if you didn't like the way I am. I am so sorry if I wasn't good enough for anything. But still, thank you for letting me go in your life and for you, entering my life even just for that short period of time. To my friends, I want you to know that I treasure every moment we spent.

Sincerely yours, Kyla.

4/15/13

"When Do You Usually Get Jealous?"

Yan ang gusto kong itanong sa marami at yan din ang madalas na tanong sakin. Haha. Sosyal e. Pero siyempre yung iba, "Ano ba mga pinagseselosan mo?" Hay nako. Sobrang rami. Sa iba ibang aspekto ng buhay. Pero alam niyo naman siguro ano tinutukoy dito, diba? So.. eto na :)

Marami kasi actually. HAHA. :D Top 5 nalang ah! =))


1. Kapag may gumagawa ng ginagawa namin usually. Kahit simpleng sobrang liit na bagay lang yun, basta ginawa namin, at di na namin ginagawa, tas ginawa ng iba, yun na. Siyempre ang pakiramdam nun, someone else is taking your place. It may look like hindi naman for others, pero once na sayo nangyari, iba iisipin mo. (MY POINT OV VIEW)

2. Pag may nakita akong hindi usual sa magkaibigan. Pwedeng close sila, pero pano yung mga unusual stuff na hindi naman talaga ginagawa ng magkaibigan? Kaso magkaibigan nga lang sila at ako lang nagiisip ng kung ano-ano. Wala eh, hindi kasi imposibleng mafall siya sa iba. Takot lang naman.

3. Pag tumingin ako sakanya then suddenly ang nakita ko nakikipagharutan siya sa someone else. Makikita mo naman pag kakaiba kesa sa magkaibigan diba? Isa sakanila siguradong may nararamdaman towards the other. Baka nga both pa e.

4. Pag nakakasama niya pa at sobrang saya nila ng past niya. Maiisip ko nalang bigla na parang mas maigi na ganun, na hindi na sana ako pumasok pa kasi masaya naman sila, na sana hindi nalang ako nakigulo edi sana walang kakaibang pakiramdam. Kahit ilang beses pa nilang sabihin na wala na talaga, mahirap paniwalaan kahit buong buo pa tiwala mo.

5. Pag mas open siya sa iba. Siyempre mas gusto ko na open siya sakin para at least alam ko man lang kung ano nangyayari sa buhay niya. Hindi yung clueless ako diba. Sana lang magshare siya kahit minsan, kasi ako kahit naman mahirap ilet go mga tinatago ko, shinashare ko padin e. Hindi man agad agad, at least nashashare.

1/16/13

*Insert Title Here*

Yes this is so true.
Like, when we were still a baby, basically newborn to at least our 1st year in school, it doesn't hurt that much right? What hurts is maybe our tummy 'cause we're hungry. Haha. Kidding =))

During the first chapters of our lives, it's less stress, less depression, less problems, & less pain. Yes maybe we cry so much but not because of a heavy reason. We cry because we want milk. We cry because we want to be with our moms and dads. We cry because our diapers are full. WE CRY A LOT! At least that's only because of little reasons. Sometimes it's just whining.

As the pages turn, obviously we get older and then we reach the period in which we start to go to school. Another dramatic scene usually happens. Our parents will bring us to school on our first day, then some of us cry because we don't want them to leave.

After a few years, bravo! We're loving school. LOTS OF FRIENDS IN THERE =))

A few more passed, there's more stress, more depression, more problems & more pain. During this times, we are stressed maybe because of school works. At this point, we also start to encounter a lot of heavy problems which sometimes cause depression. We also feel pain in this period of our life because this is when we start to adore someone. This is also the time where little things like misunderstandings lead into an argument or fights. And most especially, we are more exposed to problems during this times, or should I say now, because we already understand the things that are happening around us more than we do during our younger years.

From the moment we were born up to now, people come and go. Strangers become friends. Friends become bestfriends. Bestfriends become enemies. && Enemies become strangers. In short, from strangers to strangers. Some people stabbed your back already and will continue doing it. People hurt you. People don't understand you at times. People ignore you. People doesn't care what you are feeling. People will leave and never come back. People will do anything they want to do as long as its possible and not all of it will be in your favor. You can even lose people. There are certain things in this world that we don't want to happen but it's meant to happen and all we have to do is accept it even though it really really hurts.

In our life, there will be a lot of changes and that's for sure. Everything can change and it can really hurt. Even those little changes that may happen can disappoint us. Because of the choices we make, we can lose those important people in our lives.

I need to tell you this even though I know you know this. It really hurts losing someone special like a dear friend. Just by changing how your friendship is, it hurts. It really really do. What more if you lost a person? I lost a lot of friends and until now I am not certain why I lost some of them. Some, I know the reason. But some, I am clueless. I usually think of those people I lost. How do you think are they doing? Are they safe? Yes, the reason may be because of a fight. But I still care. Just like that, one example that causes the lost is because of a fight. Another one can be because of what other people are telling you, how they see you and how they interpret you. But the reason why I lost some of my friends? Mostly because of something I did wrong. Oh you don't want to know it. I mean, I can't enumerate it. Because I also don't know those things I did wrong. I mean the exact reason why I needed to lose them.

& AT THE END OF THE DAY, I STILL KNOW THAT IT IS MOSTLY MY FAULT.

1/4/13

Ayoko lang makaabala sainyo.


Hindi ko rin naman gustong mameke ng ngiti, pero kailangan. Hindi ko rin naman gustong itago yung problema ko, pero kailangan rin. Bakit? Kasi ayokong maabala kayo, ayokong makagulo, ayokong makadagdag sa mga problema niyo, ayokong pinroproblema niyo yung problema ko, ayokong mandamay. Yun lang.

Oo, minsan may mga taong nakakahalata na may problema ako kahit hindi ako magpakita ng kahit na anong senyales ng kalungkutan. Oo, may mga taong pilit na inaalam yung problema ko. Minsan pa nga ako pa yung nagmamatigas na hindi sabihin e.

Hindi lang naman talaga yun yung dahilan. Hindi lang dahil ayokong mangabala. Natatakot rin kasi ako baka wala ring makaintindi sa problema ko. Baka sa pagsabi ko ng problema ko, marami pang maging tanong. Baka sa huli, kailanganin ko pang iprove yung sarili ko tapos maging mas magulo lang. Natatakot ako kasi baka yung mga magsasabi saking naiintindihan nila ako ay pilit, baka sinasabi lang nila yun pero di talaga nila ako naiintindihan. Baka rin kasi sabihin nilang napaka OA ko. Feeling ko kahit naman sabihin ko, hindi naman talaga nila magegets kung bakit ko pa pinoproblema yung mga ganung bagay kaya parang wala ring sense yung pagshashare ko. Kasi wala rin namang magbabago.

Dahil dun, ang madalas kong ginagawa, eh sinasarili ko yung mga problema ko. Buti na nga lang ngayon eh medyo nakakapgshare na rin ako kahit papaano. And yes, it's less difficult. Pero minsan lang kasi, pinapangunahan ako ng takot na baka wala lang makaintindi.

1/2/13

Au Revoir 2012! (A late post)

2012 welcomed me & my family with a very serious challenge in life. It made us realize that we should be thankful that we are given a chance to show our love to people that we care for because we are not certain if they will be with us or we will be with them the next day. During the first days of 2012, we encountered this serious challenge (see http://kylaeuniceatyourservice.blogspot.com/2012/11/vacation-illness-surgery-my-hospital.html). Those times were tough, but God is tougher. He used the doctors and nurses as His instruments to heal me. Thanks to Him. I would also like to take this opportunity to thank our friends who were there with us during those moments and we really appreciated your help and prayers. To our other family members/relatives, even though were not so close and we don't see each other often, you were still there to get us through the pains and sufferings. To my sisters, mother, father, grandmother, cousins, aunts & uncles, thank you for your unconditional love!


Bago pa dumugo ang ilong niyo at ilong ko, magtatagalog na ako. =)) HAHAHA. Taglish nalang, ano? Lol.

Ang taong 2012 may not be my year.
^loljk. Game na talaga.

Ang taong 2012 man ay puno ng pagsubok para sa akin at sa pamilya ko, hindi naman kami nawalan ng pananalig sa Diyos kaya't tinulungan Niya kaming malampasan ang lahat ng iyon. Para saakin, ang buhay ay napakagandang biyaya ng Diyos sa atin ngunit hindi ito sobrang dali. Punong-puno ito ng ups at downs ngunit lagi namang nandiyan ang Diyos para tulungan tayo. Nandiyan rin naman ang ating pamilya at mga kaibigan para suportahan tayo sa mga bagay na dapat nating lagpasan. Para sa ibang mga tao, ang naging buhay nila noong taong 2012 ay napakahirap. Marahil ito ay dahil sa mga problema na kanilang pinagdaanan. Nang tanungin ko ang ilan sa mga kaibigan ko, ang pinakanangungunang problema nila ay tungkol sa pamilya. Ikaw na nagbabasa, kung meron ka mang problema tungkol sa pamilya mo, subukan mong ayusin. Kung hindi ka kasangkot sa away, kausapin mo ang magkaibang panig sa pamilya mo at linawin mo ang kanilang mga isip upang mapagtanto nila na wala ring patutunguhan ang pagaaway nila dahil kayo kayo ring maganak ang dapat nagdadamayan. Kung ikaw nama'y kasangkot sa away ng pamilya, linawin mo rin ang iyong isip at kung sa huli ng mahabang pagiisip mo ay napagtanto mo parin na sila ang may kasalanan, patawarin mo na sila bago pa sila manghingi ng tawad. Kung ikaw naman ang may kasalanan ay magpakumbaba ka na at manghingi ng tawad upang magkaayos kayo. Ngayon kung ang problema niyo naman ay tungkol sa pagkakaron ng isa pang pamilya, kung ako sayo, tatanggapin ko nalang sila. Wala nang magbabago. Kahit na maghiwalay pa sila, ang nangyari ay nangyari na. Ang nabuo ay nabuo na. Kung ang problema mo naman ay dahil kulang ang iyong pamilya, wag kang magalala, hindi yun dahilan para mabawasan ang pagkatao mo. Buong buo ka pa rin =)) Pumapangalawa naman ang problema nila sa kawalan ng taong nakakaintindi sakanila at nararamdaman ko rin yun. Kaya dapat lahat tayo, maging open minded. Dapat kaya natin intindihin ang lahat ng sides. *cut*

Halos buong Enero ng 2012 ko ay nasa ospital ako. May pagka critical ang lagay ko, may nilalabanan pa ako nun. Ang Pebrero ko naman ay may saya dahil eto yung buwan na nakalabas na ako sa ospital. Nakatanggap rin ako ng espesyal na regalo. Nagtungo rin ako sa paaralan upang panoorin ang isang programa, at doon, nakita ko ang mga kaibigan ko. Nakakatuwa kasi hindi nila ako kinalimutan at agad pa akong nilapitan. Ang Marso ko naman ay nagdulot rin ng kasiyahan sakin dahil sa nakamit ko noong ikalawang araw neto. Nagtungo rin ako sa paaralan nang buwan na yan para bisitahin ang mga kaibigan ko. Isa pa't inimbita nila ako sa Year End Party. Ang Abril ko naman ay ang panahon ng pagaadjust ko, nandiyan rin yung huling mga araw ng pagpapahinga ko. Nung Abril rin nagsimula ang pagsusummer classes ko. Kailangan ko kasing habulin ang mga leksyong hindi ko natutunan. Ang Mayo ko naman ay ang pagtapos ng summer classes ko. Eto rin yung buwan kung kailan nagtungong Amerika ang aking ina upang sunduin ang kapatid ko. Hindi pa nagsisimula ang Hunyo ay inihanda ko na ang sarili ko sa maraming tanong at sa maaring maging panlalait. Nung dumating na ang Hunyo, nagpasukan na, hindi ako nagkamali, napakarami ngang tanong. Pero wala namang nanlalalit ng harapan. Hulyo? Hm. Naging masaya rin naman. Food Bazaar =))) Agosto, ayun! Masaya rin. Linggo ng Wika at kaarawan ko <3 Napakasaya. Ang Setyembre naman ay naging masaya rin ngunit parang napakabilis lang. Ganun rin naman ang Oktubre at Nobyembre. Nang Oktubre ay maraming nagdiwang ng kanilang kaarawan at dito naman nagsimula ang mga problemang mabibigat. Medyo iniiwasan na namin yun nung Nobyembre. Maganda rin ang pasok ng Disyembre ko, pero gumulo sa bandang gitna, pero umayos at naging better naman siya =))) *cut*

So ayun. Ang 2012 ko ay sobrang laking parte ng buhay ko. Masyado akong maraming naranasan. Kalokohan, esp! Sa taong 2012, lumuha at tumawa ako. =)) Nahirapan at nasiyahan.

Sa taong 2013, marami nanaman tayong mararanasan! Stay strong lang tayo. Embrace the changes & Keep on smiling. Wag tayong tumigil mangarap kasi hindi imposibleng makamit natin 'to. Stay positive and love one another! >:)< Sana mabago natin ang mga hindi maganda nating ugali. Good luck.